The Day I Lost My Mobile Phone


Written on September 24, 2007 – 10:45 am | by shenbrood

Hay naku.. hanggang ngayon tuliro pa rin ako at hindi ko lubos maisip
na mararanasan ko pala ang ganito.  Umaga pa lang may kutob na kasi ako na parang hindi maging ok ang araw ko pero sige lumakad pa rin ako kasi nga importante yung pupuntahan kong meeting at ako raw ang kailangang umatend.  Grabe hindi pa nga ako nag aalmusal at nagtanghaliaan noon kundi sa Cubao na lang sa Jollibee.

Well sabi nung kausap ko sa may San Miguel, Manila pala ang meeting sa Dept. of Budget and Management e akala ko sa Raffles Tower lang sa Ortigas so hindi ako masyadong pamilyar sa lugar.  Tinuruan naman nya ako ng direksyon sakay daw ng Quipo then San Miguel so sabi ko anu kaya mag MRT-Taft ako then LRT na lang para mabilis at safe din.. pero naisip ko mas ok pag jeep para siguradong andun na ako.

Uneasy na ang pakiramdam ko nun sa jeep hindi ko alam kung bakit pero parang sama ng vibes ko so ayun. Nung andun na kami sa paliko sa may Isetann sa Recto me sumakay na mama na medyo parang di ko gusto ang pagmumukha then nagbayad naman sya so sabi ko siguro hindi naman sya ganun Ginawa ko binaba ko kamay ko and then parang proteksyon dun sa bulsa ko.. gusto ko rin sana luimipat kaso parang di ko na naisip agad.

Then ayun na nga naglabas ng patalim yung mama, tinutok sa akin and then sabi nya "Cellphone lang naman.. labas mo na." So ayun wala na ako nagawa kasi naisip ko kung lalabanan ko baka kasi kung ano pa mangyari sa akin… and then ayun pagkakuha ng phone agad syang bumaba.  Ako naman tuliro sabi nga sa akin nung driver eh san daw ba ako bababa… sabi ko Quipo lampas na pala.

Pagbaba ko ng jeep grabe napaiyak talaga ako habang naglalakad ako pabalik sa LRT kasi sabi ko uuwi na lang ako.. kaya yan ang nangyari nagastusan na ako… hindi pa nakapunta sa pupuntahan ko at nanakawan pa ng phone.

Kaygandang araw talaga… pero sabi nila swerte pa rin kasi walang masamang nangyari sa akin sabagay may point naman sila dun… kaso BAD TRIP TALAGA… BAGO PA NAMAN HOUSING NUN…  Grin

Pero sa totoo lang ang nakakainis ay wala naman akong pera pambili ng
ipapalit dun eh napakahalaga pa naman ng cellphone sa akin… asar
talaga!



Post a Comment